Highlights of Senate Hearing

Dear Lorraine Partosa,

First time kong nakita ka kanina. I assume may jet lag ka pa sa biyahe from India. You look pagod.

1. Anyway, bago ka bumawi ng beauty rest, let us discuss yung mga nangyari kanina.

Najab ka ni Senator Manny sa post mo sa kanya before. Buti na lang nag sorry ka at hindi na siya magdedemanda.

Kasi naman, yung source mo ng news magtataho at security guard. Luh, grabe sya oh.

Biased ka daw, next time isama mo ng magbabalut, magpuputo pati na rin yung mga basurero. Para kumpletos recados ang source mo ng tsismis.

2. Tinira mo si VP Leni. Kasi sabi mo sinabi ni VP Leni na gloomy ang sitwasyon ng bansa sa international audience. Luh, fake news ka na naman. Sinabi yan ni VP sa anniversary ng LP, anong international audience na pinagsasabi mo? At saang survey aber ang 98% na satisfaction rating na pinagsasabi mo? Luh grabe sya kung makaimbento ng numbers.

Totoo naman eh. Gloomy ang sitwasyon sa pagtataasan ng mga bilihin at kaliwat kanang patayan. Paano naging fake news yun? Mema ka lang.

3.  Eto yung finale mo, sabi mo wala akong moral high ground?

Luh, ikaw kaya yun. Gusto mo iremind ko sa yo kung paano mo ibully si Jillian, na kahit bata hindi mo pinatawad? Or yung pag maligned mo kay VP Leni and call her BASURERA  just  because pinakinabangan niya ang mga second hand na gamit sa Boston.

Or yung pag advocate mo ng child porn while you were still at DSWD?

Nakakahiya naman sa yo teh talking of high moral, ikaw na nakikitsismis sa magtataho? Kung makalait wagas sa ibang tao?

Ano pa yun? We should be compassionate and decent? Woah, naengkanto ka ba? Para kang may sapi, talking about compassionate tapos bigla mong isasali si VP.

Bago ka magsalita about morality, tulungan mo muna si Mocha na tumino. Para naman may pakinabang ang sweldo ng taong bayan sa yo.

Ang laki di ba? Tapos fake news at paninira lang ang lumalabas sa bibig mo. Kung may dapat man magsalita about morality, for sure hindi ikaw yun. And next time gagawa kayo ng research sa blog ko, sipagan niyo naman. Effort pa talaga kayong gumawa ng power point ha. Sinayang niyo lang ang pondo ng bayan.

 

Natatawa sa Tsismosang BFF ng Magtataho,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *