High po ba kayo, Mr. President?

Dear President Duterte,

May advice po ako ha. Sana pag mag speech kayo, huwag kayong mag fentanyl. Kasi po kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig niyo po. Gaya nito.

Luh sya, bakit niyo po bibigyan sila ng award? Ang order of Lapu-Lapu ay isang medalyang ipinagkakaloob sa isang government employee o pribadong indibidwal na nagpamalas ng hindi matatawarang serbisyo na alinsunod sa kampanya o adbokasiya ng Pangulo. Sabagay advocay niyo pala ang “Kill, Kill, Kill”.

Mukhang mas marami pa nga sigurong pinatay sa administrasyon mo kaysa sa mga pinatay ng mga Abu Sayyaf eh.

Pero since balak niyong pumunta sa kuta nila, may suggestion po ako. Isama niyo po si Bong Go. Tapos pagdating doon, pagmumurahin niyo sila, ipakita niyo ang tapang niyo. Para makita nila na seryoso po kayo. 😂😂😂

Tapos eto ang dalhin mong Order Of Lapu-Lapu.

Tingnan natin kung makalabas kayo dun ng buo. 😂😂😂

Kidding aside, huwag tumira ng fentanyl, kasi yung mga sinasabi mo nakakatawang, nakakainis na.

Natatawa at Naiinis,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *