Health Workers Are Getting Sick!

Dear KaPAB,

Minsan sa gitna ng trahedya, makikita mo talaga kung ano ang priority ng gobyerno.

Alam natin na ang mga frontline natin ay ang mga doctor, nurses at iba pang health workers. Sana man lang binigyan ng halaga ni Duterte ang proteksyon nila. Ang daming hospital na walang Personal Protective Equipment or kahit mask man lang. Kaya siguro sinikap ni VP Leni Robredo na bigyan agad sila ng PPE.

Ang daming doctor na ang nagkakasakit. Yung iba namatay na.

Tapos ang masaklap pa may mga pulitiko na hindi sumusunod sa sistema. Nagrereklamo na mga doctor.

Na gusto pa ng ibang pulitiko, home service ang pagtetest. Ang daming mga ordinaryong tao na hindi pa natetest dahil sa kakulangan sa testing kit. Pero ang mga taong ito gusto special service sila.

Ngayon ang DOH is asking for volunteers? Kahit naman ako doctor kung walang protection at suporta magdadalawang isip akong magvolunteer.

At bakit volunteer? Di ba may 27.1 billion na COVID-19 na response fund? Channel some of that P14B earmarked for tourism rehabilitation and PAY YOUR HEALTHWORKERS! 

Hanggang ngayon wala pa ding mass testing, useless ang Community Quarantine na ito kung hindi maidentify lahat ng nag positive in a month.

Hirap talaga pag bara-bara ang nagdedesisyon.

Naaawa Sa Mga Pilipino,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *