Heal Our Land

Dear KaPAB,

Last Sunday, isa sa mga pinakamalaking rally po na naganap. Muslim, Christian at Katoliko, nagkapit kamay para ikondena ang malawakang patayan. During the mass, ang sermon po ni Archbishop Soc Villegas nakakaiyak. Halos lahat nagpapahid ng luha.

Eto ang parte ng sermon ni Bishop Villegas ang tumatak sa isip ko.

Ang pakiusap na itigil na ang patayan ay panaghoy ng mahigit sampung libong kababayan nating nabaril dahil nanlaban daw o kaya ay binaril ng ‘di makilala.
Ito ay hinagpis ng mga ulilang magulang at anak, mga maagang naulilila sa asawa. Ito ay pakiusap mula sa mga matang luhaan at kaloobang sugatan. “Tama na po. May test pa ako bukas.”

Kapag hindi natin itinigil ang patayan, may sumpang parusa ang bayang pumapatay sa sariling kababayan. Sabi ng Birhen sa Fatima, “Tigilan na ninyo ang pagsuway sa Panginoon sapagkat labis labis na siyang sinasaktan ng mga kasalanan ng tao.”

Hindi mo kailangan maging Katoliko para hindi ka magalit at manlumo sa walang habas na patayan.

Madaming taong, nagsama-sama para manawagan.

Itigil na ang patayan.

Patuloy na Lumalaban para sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *