Harry Roque, Ikaw ang Out of Touch

Dear Secretary Harry Roque,

Hindi ko alam kung matatawa ako or maiinis sa hirit mo mo kay VP Leni. You said this.

Si VP Leni pa talaga ang sinabihan mo ng out of touch sa realidad ha. Baka gusto mong isyuhan kita ng resibo. Sa tingin mo ok pa ba ang teritoryo natin?

Tapos sasabihin mo na this is not a breach of good faith? Resibo.

Luh, grabe sya oh, parang lutang lang. Wala na sa realidad.

Mismong kasamahan mo dati binabatikos ka na nga eh. Resibo.

Oportunista ka daw. Kung hindi ka ba naman out of touch at gusto mong maging blogger na lang ang mga lehitimong mamamahayag. Resibo.

Ayan binatikos ka na nang dati mong kasamahan.

Human rights lawyer ka, pero ang karapatan ng mga taong to, pinaglaban mo ba?

Sa tingin mo sa araw araw na patayan, maliwanag ang kinabukasan ng bansa.

Mataas na buwis, maraming walang trabaho, kaliwat kanan ang namamatay. Talamak ang korupsyon at kahirapan. Maliwanag pa yan sa yo?

Wala na ang human rights advocates na Harry Roque. Wala na ang matapang na Harry Roque na pinagtatanggol ang mga mangingisda laban sa mga tsekwa. Patay na ang dating Harry Roque.

Napalitan na yata siya ni Humpty Dumpty.

Ikaw yata ang nananaginip eh. Ikaw ang out of touch.

Hoy, GISING!

Pilipinong Mulat,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *