Harry Roque, Bakit tayo sasali?

Dear Harry Roque,

Partylist Congressman pa rin pala kayo, akala ko po napaltasik na po kayo ng mga kasamahan nyo sa partylist.

Anyway, nabasa ko po itong suggestion nyo.

Seryoso po kayo?  Sa dinami daming problemang kinakaharap ng Pilipinas, talagang gusto nyo pa tayong sumali sa gulo ng Qatar and other Middle East countries?

Kung wala po kayong magawa, eto po mga suggestion :

  • pumunta po kayo sa Marawi, magbigay kayo ng relief goods
  • magimbestiga kayo sa nangyaring sunog sa Resort World, para makagawa kayo ng batas
  • tumulong kayo sa Brigada eskwela
  • gumawa kayo ng mga bills na makakatulong sa bayan

Alam niyo po maraming puwedeng gawin sa bansa natin, na di na kailangan sumawsaw tayo sa problema ng ibang bansa.

Nakakaloka kayo! 😂😂😂

Natatawa,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *