Pananakot Sa Mga Guro, Nakikita Na

Dear KaPAB,

Alam naman natin na ang mga guro ang mga unsung heroes ng lipunan. Sila ang katuwang ng mga magulang sa paghubog sa kanilang mga anak.

Sadly, sila na naman ang nakakaranas ng pang aapi sa panahon ni Duterte.

 

So bakit kailangan may intel operations ang mga guro na member ng ACT? Hindi ba ito isang form of harassment? Ang mga teachers sa grupong ito ay nakipaglaban noong panahon ng Martial Law against dictatorship.

 

180,000 members, bakit pinagbubuhusan ng panahon samantala ang daming problema ng bansa.

 

Tama si Atty. Florin “Pilo” Hilbay, ang ginagawa nila Albayalde is a form of intimidation.

Sana maawa sila sa mga guro, kakaramput na nga ang sweldo, sasabayan pa ng pananakot. At school din, bigyan ng protection ni Secretary Briones ang mga teachers.

Sana wala ng grupo na tinatakot, porke nagsasabi lamang ng hinaing.

Yung dapat ilagay sa Intel yung mga corrupt na politiko at hindi ang mga guro.

Walang takutan, porke malapit na ang election.

 

Nakikiisa sa mga Guro,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *