Harapin Ang Katotohanan Na Palpak Talaga Ang Drug War Ni Duterte

Dear DDS,

Wala na kayong ginawa kung hindi laitin si VP Leni. Pinagtulungan niyo siya, samantala pareho naman sila ng sinabi ng Poon niyo.

 

 

Unang tanong, kanino ba nanggaling  ang data na nacompute ni VP Leni? Hindi ba sa gobyerno? Kung feeling niyo hindi totoo ang 1% bakit hindi niyo batikusin ang PNP?

 

 

 

Kung binasa niyo ng buo ang report makikita niyo doon ang magagandang recommendation ni VP Leni. Tama naman siya na dapat magkaroon ng baseline para malaman kung tama ba ang strategy na ginagawa.

 

 

At oras na para alisin ang Tokhang kasi mga naka tsinelas lang ang nabibiktima. Hanggang ngayon hindi pa rin makita ang bilyones na shabu na nakalusot under Faeldon. Naglaho na parang bula na ang mga dapat kasuhan.

Sa loob ng 3 taon, at maraming buhay na nawala, 1% lang ang accomplishment sa mga nahuling shabu.

 

 

The sooner na matanggap niyo ito, the sooner makakahanap ang Poon niyo ng tamang strategy sa pagsugpo ng droga.

Dapat nga magpasalamat kayo at matinong report ang pinasa ni VP Leni at hindi nakasulat lang sa cartolina lang eh.

 

 

Hindi kayo sanay sa matinong report no?

 

Yamot Sa Mga Makikitid Ang Utak,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.