Handa Na Kami VP Leni Robredo!

Dear KaPAB,

Nabasa ko ang post na to kahapon. I just want to share it with you.

From Jayson Gaspar Maulit:

Ma’am Leni,

Ilang taon na simula nung umalis ako sa opisina, pero sinusubaybayan ko pa rin ang mga nangyayari sa’yo. Kanina, pinanood ko ‘yung presscon mo, and to be honest, napagod ako.

I kept saying “wag mo tatanggapin, wag mo tatanggapin, wag mo tatanggapin, giiiiirllll wag mong tatanggapin!” Kasi naman, obvious ‘yung pulitika, alam mong gusto kang ipahiya, alam rin nating hindi mapagkakatiwalaan ang Palasyo, at puro pangmamaliit lang ang mayroon sila para sa’yo.

Pero, hindi na rin ako nagulat. Kasi kung ikaw pa rin ‘yung Bise Presidente na tinayaan ko, kinampanya ko, ibinoto ko, at hanggang ngayon ay pinapaniwalaan ko, tatanggapin mo ang hamon ni Duterte.

Kung may natutuhan ako sa’yo, ‘yun ay ang pagtanggal ng sarili at emosyon sa sitwasyon. Iyon ay ang pagtatanong kung “Kailangan ba tayo? May maitutulong ba tayo?” Kung oo ang sagot sa pareho, gagawin ng walang alinlangan. Kahit mahirap, kahit parang imposible.

‘Nung nag-resign tayo sa HUDCC, wala kang drama. Kahit marami sa mga batang Staff ang galit na galit sa kabastusan, ang bilin mo sa amin: business as usual tayo. ‘Nung sinimulan kang ipahiya sa mga speeches at ininsinuate na hindi ka nanalo nung 2016, 10 seconds lang iyong topic na yan sa staff meeting, tapos you spent 10 minutes reminding the staff to never ask for special treatment for you sa mga events. Sabi mo “kahit tayo ang ma-hassle, basta wala tayong naiistorbong iba.”

Sa gitna ng lahat ng bagyo sa term mo, ang sagot mo lang lagi “trabaho lang tayo.” Kasi nga hindi ka pulitiko, pag nagdedesisyon ka, hindi political capital ang batayan, kundi kabutihan ba ang dulo o kasamaan.

Nung tinanggap mo ‘yung posisyon, sabi ko “shet, ang hirap.” Pero masaya ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na ikaw pa rin ‘yan.

May mga nagsasabi, mapa-hanay man ng kakampi o haterz, na political suicide ito. “Checkmate” na, “wala nang way out,” “mali ang political strategy, nakinig si Leni sa ibang tao,” “nagtagumpay na ang administrasyon in pushing her into a corner.” HEHE. Cute. Sa pagkakilala ko sa’yo, hindi ka nagbibitaw ng salita na hindi mo kayang panindigan. Hindi ka namumuna kung wala kang maitutulong.

Higit sa lahat, hindi ka nagdedesisyon na political ambition ang pinanggagalingan. Kasi kung strategy lang ang basehan, na aaminin kong una kong inisip sa issue na ito, mas madali na hindi tanggapin ang hamon ng Palasyo.

Kaya kahit nauna ang takot, excited ako sa iaambag mo sa usapin. Kasi kailangan, kasi mabuti. You have everything to lose, but in doing this, the nation has everything to gain.

At kahit mukhang imposible that you get out of this unscathed, naniniwala akong you will turn this around.

Kasi nung tumaya ako sa’yo, parang imposible rin naman na manalo, di’ba? Hindi ka frontrunner, hindi sikat, at sabi nila hindi mo kaya. Lahat naman ng ipinanalo mo sa buhay mo, mga imposibleng laban.

Pero tumaya ako, kami, kasi iyon ang tama, iyon ang tawag ng panahon, iyon ang kailangan. To lead the fight against illegal drugs is just another impossible fight, but another fight to win.

A fight that we will again bet on, with you.

Noong kampanya, sinabi mong “the last man standing is a woman.” 3 ½ years after, the woman isn’t just standing. The woman is cleaning the mess made by a man, the woman is working for those whose lives have been made worse by the prevailing system, and the woman is leading a government failed by “the best and the brightest” of this administration.

And this woman shall emerge victorious. Again. HANDA NA KAMI. #LabanLeni 🔥

Kahapon, natakot ako naiyak pero nagkaroon ng pag-asa. Laban ni Leni, Laban Ng Bawat Pilipino.

Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *