Hallucination ni BBM

Dear Bongbong Marcos,

Ang daming tanong niyo sa presscon ha, tamang hinala kayo eh. Ako na lang sasagot ha, wag na kayong magbayad sa consultation fee.

Una, nawiwindang kayo nung “square-square” kamo sa balota, ginawan niyo ng isyu.

Ganito po kasi yun Sir. Yung Square enclosing the votes are new features po yan ng 2016 elections. These squares capture those markings na nakameet ng 25% threshold set by Comelec.

Di ba nga nadiscuss ito before election kung ano mga to? Kung ano ang source code and ano yung 25% threshold. Ayan oh, resibo.

Feeling niyo siguro dati panalo na kayo kaya hindi kayo umattend ng mga meeting na pinatawag ng Comelec no?

Hindi lang once nagpatawag ang Comelec, twice pa. Kung Umattend ka sana hindi ka nagmukhang eng-eng ngayon sa mga tamang Hinayana publicity stunt mo. Tse!

Reklamo ka ng reklamo ng “square” na yan, sabi mo kay VP Leni lang, luh fake news ka. Resibo.

Meron ka ding square eh. Kasi nga pag naka meet ka 25% threshold meron kang square. Ang tamad niyo po kasing umattend ng meeting. Duh.

Second ang isa niyo pang kuda, bakit pare pareho ang number ng mga balota. Luh, kasi po Ser, ang bawat ID ng balota ay unique sa bawat clustered na presinto samakatuwid sa bawat presinto sa pare pareho ang ballot ID numbers. Resibo.

 

Again nadiscuss po yan doon sa meeting, kung pumunta lang kayo hindi kayo mukhang timang na tamang hinala ngayon.

Next time po wag na po kayong magpa presscon, gastos lang yan. Email me na lang po, ako na sasagot sa mga tamang hinala niyong ilusyon. Grabe siya oh, naglalaway sa Vice President na posisyon kaya kung ano-ano na lang ang iniimbento. Kadiri.

Natatawa sa mga Ilusyunadong Palaka,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *