Hakot Rally for Bong Go, Bilyonaryo

Dear Bong Go,

Bago ko idiscuss yang sinasabi mong “fake news” ng Rappler at Inquirer, pag usapan muna natin ang rally crowd mo. Next time wag ipahalatang hakot. Tingnan mo si Ate oh, hindi alam kung ano ang pinaglalaban.

Sosyal ka talaga Koya, buong cabinet members, suportado ka. “Little President” sya oh.

Now pag usapan natin ang kuda mong biktima ka ng fake news. Una pabulaanan mo muna ang existing document na to.

Bagamat sinabi ni Secretary Lorenzana na hindi siya sure na galing sa yo, pero galing sa Malacañang. So sino ang nagpadala? Ang kusinero at hardinero sa Malacañang? Kwento mo yan sa pagong ha.

Eto pa. Kanino bang Undersecretary si Christopher Lao?

Ayan oh klaro na from the Office of the President under your department. So ibig sabihin hindi mo alam na nagsusulat na ng “love letter” ang Undersecretary mo? Hindi rason na nilipat na sya ng department. Hindi pa rin nasasagot why your office ay magpapatawag ng meeting para idiscuss ang procurement na wala naman dapat kayong pakialam.

Yung mga papuri sa yo ng mga Senator at Cabinet members? Hindi mababago ang katotohanan na KAYO ANG NAGPATAWAG NG MEETING.

Yung show of force ng mga supporters na wala namang alam sa isyu at yung mga cabinet members na nag absent para lang palakpakan ka at yung mga senator na halos halikan na ang paa mo, hindi mababago ang katotohanan sa mga dokumentong yan.

Fake news daw, tse!

Yamot sa Pabebe,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *