Habang Ang Taong Bayan ay Nagtitiis ng Bigas Na May Bukbok

Dear President Duterte,

Kumusta po ang biyahe natin? Bago kayo umalis naisip niyo na ba kung paano masosolve ang problema sa bigas. Ganito po pumipila ang taong bayan para lang makabili ng NFA rice.

Tapos ngayon may bukbok pa.

Akala namin ilan lang kayo magtatravel papuntang Israel base sa picture na to.

Ang dami niyo na nga diyan. Ang iba diyan hindi naman kailangan. Pero malaman-laman namin, 400 ang kasama niyo base sa report galing sa Israel.

Huy grabe ka. Hindi ka na naaawa sa pera ng bayan. Yung mga tao hirap na, ekonomiya pabagsak na, pero wala kang pakundangan magwaldas ng pera ng bayan. Sabi mo dati hindi ka magjunket. Pero bakit isang barangay dala mo?

Nagpasa ka ng schedule mo, bakit ayaw mo siyang ipacover sa press? Saan ka pupunta between Tuesday afternoon to Wednesday afternoon. Bakit walang activity?

Anong meron? Totoo po ba ang balita na magpapacheck up daw po kayo? Magagaling daw po ang doctor diyan sa stem cell po. Yung kulay niyo kasi parang naaagnas na no?

Anyway, ang point ko lang naman sana naman konting tipid sa pera ng bayan. Mahiya naman kayo sa amin.

Yamot sa Waldas na Presidente,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *