Habang Ang Iba Busy sa Political Coalition

Dear KaPAB,

Good news muna tayo. Kung follower kayo sa IG ni Kris Aquino, alam niyong nagkasakit ang actress after ng Hollywood premiere ng Crazy Rich Asians. Kung saan binigyan niya ng karangalan ang bansa natin sa red carpet.

Pero sa kabila ng kalagayan niya. Nanghihina at very low BP, pinilit niyang maging malakas kasi nakita niya ang sitwasyon ng mga sinalanta ng baha sa iba’t – ibang lugar sa Metro Manila.

Puwede naman niyang ipadala na lang ang tulong kasi nga may sakit siya. Pero alam niyang mas magiging masaya kung pupunta sya at siya mismo ang magbigay sa mga tao.

Tama si Kris Aquino, hindi kailangan nasa pwesto para makatulong. Pagmamahal sa kapwa, sapat na.

Habang ang mga pulitiko ay busy sa coalition na yan, mas pinili niyang tumulong sa mga nasalanta ng baha.

She is indeed her mother’s daughter.

Sana mainspire din ang iba na tumulong after sa ginawa ni Kris. Higit kailanman kailangan tayo ng ating mga kababayan.

Kudos to Kris Aquino!

Humahanga ng Bongga,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *