Gumagalaw na ba Ang Perang Ninakaw sa Taong Bayan?

Dear KaPAB,

May kwento ako sa inyo. May nangyari sa recount na hindi binalita ng mga BBM trolls.

Sa botohan, di ba nagshishade tayo ng circle? Ngayon nakaprograma ang machine na tatanggapin pag puno ang pagshade ng bilog. Noong 2010 pumayag na 50% na shade ok na. Tapos noong election ng 2016 pumayag ang Comelec na 25% na nga lang, kasi maraming mga boto na hindi nasasama sa bilangan kasi kulang ang pagshade. Remember 2016 ang election ng Robredo vs. Marcos, kung saan natalo ang anak ng magnanakaw.

Ngayon di ba may recount, kasi hirap makamove on eto si Boy Recto. Biglang binago ang ruling ng PET. Tatanggapin lang daw pag 50% ang shade, pag 25% hindi na. Baketttt? Naturalmente maapektuhan nito ang resulta ng botohan. Bakit mo babaguhin ang isang regulasyon kung saan part ng election ng 2016? Eh di ba ang nirerecount ay 2016 election?

May naamoy akong malansa. Naisip ko tuloy, gumagalaw na ba ang pera na ninakaw sa taong bayan?

Nagfile ng motion sa Supreme Court ang kampo ni VP Leni para icontest ito. Sana maging fair ang Korte Suprema.

Kailangan nating magmatyag kasi alam natin na ang galawang ito ay baka magaya sa galawang noong 1986 kung paano nandaya ang tatay ni Bongbong Marcos.

Protektahan ang ating boto. Protektahan si VP Leni.

Yamot sa MandaramBong,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *