A Request and A Commendation

Dear Governor Davide and Mayor Osmeña of Cebu,

May dalawang dahilan kung bakit sumulat po ako sa inyo.

First, congratulations po Governor sa Seal of Good Governance award from DILG.

At least nakita nang tao na you are doing your job po.

Mayor Tommy, gusto po din ipaabot ang paghanga ko po sa inyo kung paano niyo po tinutugunan ang mga hinaing ng mga Cebuano sa City.

When a netizen requested na sana 24 hours na lang ang library para hindi na magastos ang pag aaral nila sa mga cafe or restaurant. Hindi kayo nagdalawang isip na tugunan ito.

It only shows you are a man of action.

Cebu is lucky to have both of you sa government. Hands on Governor and Mayor. Swerte sila kaayo.

The second reason why I am writing you is because of this po. Please watch the video.

Isa po syang newly graduate na Cebuana. Her name is Emily  Sanico. Kasalukuyang binabash at pinagbabantaan because she had been vocal of her opinion sa social media.

Alam ko po hindi niyo po makokontrol ang bashing sa kanya. Naiintindihan ko po yun. Pero there is a chance na baka hindi po siya makatrabaho because of that video.

Teacher po sya at kasulukuyang nagpaparanking para makapagturo sa public school. I am not asking na bigyan siya ng pabor po, pero sana man lang mabigyan sya ng fair chance para makapagturo sya sa paaralan.

I am not sure kung paano niyo po sya matutulungan. Pero sana po ang mga supervisor ng Cebu, mapakiusapan niyo na they will not judge her just because she voiced out her opinion. Bigyan lang sana siya ng fair treatment. Di ba po our freedom of expression is protected by our Bill of Rights? Kung pinanood niyo po ang video makikita niyo po na walang sinabing masama ang bata. Kawawa naman po kung dahil lang sa video hindi po sya makapagturo.

Lumapit po ako sa inyong dalawa, kasi po alam ko po na kayo ang may puso para tumulong sa kabataan. Nakita ko po ang sincerity niyo sa pagsilbi sa mga Cebuano.

Ngayon palang po nagpapasalamat po ako sa inyo. Maswerte ang Cebu to have leaders like you guys. Makatao, Makabayan at higit sa lahat MakaDiyos.

More Power, Governor Davide and Mayor Osmeña!

Daghan Salamat,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *