Very Good po kayo, Senator Binay

Dear Senator Nancy Binay,

Gusto ko pong ipaalam sa inyo na humahanga po ako sa mga statement niyo lately. Nakita ko po ang katapangan niyo kung paano niyo sinunog si Mocha nung hearing sa fake news. Resibo.

Ngayon naman po sa usaping federalism, pinakita niyo po sa amin na hindi bara-bara ang mga binibitawan niyong salita. Resibo.

 

In fairness tama po kayo dito. Hindi kailangan ng federalism to fully implement yung Local Government Code. May batas na eh, kailangan lang busisiin.

Etong si Speaker Alvarez, sobrang epal. Tama ba namang iblackmail ang pondo eh hindi naman pera niya yan.

Pera ng bayan ang ginagawang pamblackmail. Pati kayong mga senador inaapakan na. Resibo.

 

Lawyer yan ha, pero talo niyo po sya sa inyong mga panukala. At least po kayo, iniisip niyo po ang kapakanan ng nakakarami at hindi pan sariling interest. Resibo.

Kung tutuusin pag may federalism pabor sa inyo po, kasi ang political dynasty ay mas lalong mag-iigting sa federalism, pero hindi mo yun isina alang-alang, hindi ka nagpabully kay Alvarez. You made a brave stand. Nang dahil diyan very good po kayo.

Sana wag po kayong magpatinag sa pambabraso sa mababang kapulungan. Tuloy lang po Madame Senator. Kinabukasan ng bayan ang laging isa alang-alang.

Humahanga nang mas Mataas pa sa Slight,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *