Good Job, Senator Bam!

Dear Senator Bam,

Gusto ko lang pong magpasalamat sa ginawa niyong hearing noong nakaraang araw. Maraming salamat po at hinanapan niyo po ng solusyon ang mga pagnananakaw sa load ng ibang Telco company.

Marahil simpleng problema lang ito sa paningin ng iba, pero sa mga ordinaryong mamayan na naka prepaid ang dalawang piso na  nanakaw sa mga load namin ay malaking bagay na po.

Dahil po sa ginawa niyong hearing nasolusyunan po ang pagbawas sa mga may cellphone ng mga promo, na biglang bumabawas na lang sa load.

Kanina po nakatanggap na po kami ng notifications. Ang bilis! 😊

Mula po sa libreng edukasyon sa college, hanggang sa kapakanan ng mga consumer, pinakita niyo po sa amin na kami po ay inyong pinapahalagahan.

Maraming Salamat po, Senator Bam. Mabuhay po kayo!

Makakatipid na sa Load,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *