Good Job Na Sana

Dear President Duterte,

Sabi nila ” give credits, where credits is due. Noong nakaraang araw, will give you “good job” blog na sana after kong mabasa to.

Sabi ko sa sarili ko, baka ito na ang hinihintay ng marami na ipaglalaban na ng Presidente ang teritoryo. Baka nagbago na siya. Buti na lang hindi ko ginawa, kung hindi baka mapasama pa ako sa listahan ng fake news website. Kasi eto pala ang totoong nangyari.

Luh, sya tapang tapangan. Yun pala tapos nang nagsurvey ang BFF niyang China sa Benham Rise. Tama na sana ang kadramahan, teritoryo na natin ang nakataya eh.

Puro bayad utang loob ang nangyayari sa administrasyon niyo. Mula sa pagbibigay ng posisyon sa mga taong hindi naman qualified hanggang sa China na sinakop na ang mga isla natin.

Ikaw ang may utang na loob, bakit kami ang pinapambayad mo? Buwis at isla namin ang sinasakripisyo mo.

Ipaglaban mo naman ang Pilipinas, kahit konti lang.

Yamot sa Duwag,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *