Good Job Marikina City and Makati City

Dear KaPAB,

Ang galing ng evacuation center ng Marikina. May modular tents!

Bawat family may privacy. Mahalaga ang ganitong set up para hindi magkahawaan ng sakit.

Pero syempre, hindi din naman magpapatalo ang Makati City.

Handa din sila. Meron pang mga hinandang hygiene kit at first aid kit. At mga unan at kumot.

At eto pa, meron din silang breast feeding station.

Walang pangalan ng pulitiko. Walang epal.

Sana gayahin din ng Quezon City. Kasi ang pangit din ng evacuation center nila. Kawawa mga tao.

Mayor Herbert Bautista at Vice-Mayor Joy Belmonte, baka naman gusto niyong magtanong sa Marikina at Makati kung saan sila bumibili.

Sa gayahin din ito ng Davao City. Kasi last 2017 ganito ang evacuation nila.

Pero ngayong 2018 nag-improve na ng konti.

May sapin na na pink, pero talo pa din sila ng Marikina City at Makati City.

Dapat magtanong ang iba pang LGU kung saan to nabili at please lang huwag ng lagyan ng pangalan ng pulitiko.

Good job, Mayor Abby Binay and Mayor Marcelino Teodoro! Next project, mga drainage naman para wala ng baha.

Humahanga ng Slight,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *