Give Credit Where Credit is Due

Dear Secretary Wanda Teo,

Hindi ko po alam kung alam sa office niyo about sa ordinance na to ng LGU ng Boracay. Resibo.

Alam naman natin na hindi ito ang kailangan solusyunan na problema ng Boracay. Ang pangunahing problema ay ang drainage system kasi binabaha ang Boracay. Resibo.

I was looking for resibo para malaman ko kung ano ang ginagawa ng Department of Tourism para naman matulungan ang Boracay.

May nakita akong reports. Resibo.

Medyo very good kayo dito. At least hindi lang puro business side ang iniisip niyo about Boracay, gusto niyo rin mapangalagaan ang kalikasan. At good thing medyo malaki ang pondong nilaan niyo sa pag save sa Boracay. Resibo.

Sana magamit ng tama ang 716 million. Ayusin ang drainage dapat at pati ang pagtapon ng basura. Kailangan iligtas ang Boracay kasi ito ang paboritong puntahan ng mga turista. Pag maraming turista, maraming kita at trabaho sa mga Pilipino.

Buti naman po at gumawa kayo ng ganitong hakbang, at least hindi puro Ms. Universe at boxing event.

While medyo maganda ang ginagawa ng DOT sa Boracay, subukan niyo din pong ireplicate sa ibang lugar, para very good uli.

Anyway, patuloy kaming magmamatyag kung magagamit sa tama ang pondo. Sana sa sunod na bagyo hindi na bahain ang Boracay.

Nagmamasid lang,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *