Gina Lopez, NaDuterte Ka!

Dear Secretary Gina Lopez,

Hayaan nyo po akong tawagin ko pa din kayo na Secretary kahit po hindi naaprove sa  Commision on Appointment .

Yung nangyari po sa inyo ay part po ng sarswela ni Duterte. From the very start po, wala po talaga syang balak na ilagay kayo diyan. Bakit? Hayaan nyo pong isa isahin ko po.

  1. Carlos Dominguez, Finance Secretary ni Duterte. Ang kapatid ay si Paul Dominguez who controls Indophil Mining. So you see ang lakas ng kapit po di ba?
  2. Mark Villar, DPWH Secretary. Affiliated sa St. Agustine Mining, Kingking Gold and Copper Project. Sa tingin mo, papayag ang mga yan na mag practice ng responsible mining para sa kalikasan?
  3. Eric Tagle, big boss of the Oro East Mining of Davao Oriental, supporters at for sure contributor ni Duterte.
  4. Cong. Wes Gatchalian, member ng CA, pero affiliated din sa Wellex Mining. Sya at ang kapatid nya na si Win Gatchalian ay parehong kaalyado ni Duterte.
  5. Last na may pinaka malaking tulong sa kandidatura ni Duterte at Cayetano, ay si Manny Zamora of Nickel Asia. Kapatid ni Cong. Ronaldo Zamora na senior member din ng CA.

Hindi nyo po ba alam, na yung helicopter na ginamigamit before ni Duterte, during campaign ay pinahiram di umano ng mga Zamora.

At may building pa sila daw sa BGC na pinagamit sa mga troll warriors na nagkakalat ng kasinungalingan at fake news noong panahon ng kampanya.

Malaki ang papel ng social media sa pagka panalo ni Digong. So malaki ang utang na loob ni Duterte sa mga Zamora.

Ma’am Gina, pinaglaruan ka lang at pinaasa nila. Kung talagang seryoso si Digong na maappoint ka, it is easier for him to convince his allies. But he did not do it. Instead, pinain ka niya sa mga buwitre para katayin at pagtulungan.

Naawa po ako sa inyo, kasi nakita ko po ang passion nyo to save our environment. But your passion have no value to Duterte, mas mahalaga sa kanya ang pera at pagbayad ng utang na loob.

You were just a pawn in his strategy na kunwari gusto nya ng pagbabago sa kalikasan. Isang malaking script ang lahat, sadly hindi ikaw ang bida sa huli.

Ginamit. Pinaasa. Ginago. In other words, Ma’am Gina, #NaDuterte ka.

Hayaan nyo po, digital na ang karma ngayon. Makakaganti din kayo sa mga gumago sa inyo.

God bless po.

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *