Garapalang Pagwawaldas

Dear Secretary Martin Andanar,

Hindi ko po alam kung matatawa po ako or maiinis sa solution mo sa kapalpakan ng ahensya mo.

Seriously?  Para hindi pumalpak hindi na lang mag upload ng pictures?  Luh, grabe siya oh, imbes mag conduct ng training, ang ginawa  ay sinuspinde ang mga tamang gawain.  Hong taba po ng utak niyo talaga. 😂😂

Sir Martin, ang pagmamanage ng departamento ay parang gripo yan. Pag madumi ang tubig, you will not close the source instead, salain mo or lagyan ng chlorine para maging potable sya.

Ang laki ng sweldo, pero kabobo. Wag kasing OJT ang laging imanage, try niyo pong maghire ng competent staff. Or kung OJT,  man bigyan mo ng training, wag iharrass ha. Bad yun.

Another thing, bakit ang waldas niyo sa pera ng bayan, si Ate Mocha, pa London London lang, hindi naman importante ang ipinunta.

Tapos etong si Assistant Secretary Cualoping, di umano   kung nagbabyahe laging business class. Mahiya naman po kayo sa aming mga tax payers.

Hirap na si Mang Pedring sa pangangalakal ng basura para lang makabayad sa VAT na nakapatong sa mga basic goods. Si Maria tinitiis ang traffic araw-araw, para lang makatipid kasi babawasan ang sweldo niya ng withholding tax.

Tapos kayo pabusiness business class sa pagbyahe?  Tubuan naman ng hiya, kahit konti.

Palpak na output na nga ang binibigay niyo, waldas pa kayo sa pera ng bayan, pakyawan po ba ito, mga bes?

Yamot sa Makapal ang Mukha,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *