Ganito Na Ba Talaga Tayo?

Dear KaPAB,

Nalagay na naman ang bansa natin sa kahihiyan. Nagkaroon ng gulo sa basketball between Australia and the Philippines. Nalagay na naman ang Pilipinas sa halos lahat ng news website, pero in a bad way nga lang.

Kung totoo man, na nauna mang-asar ang Australia during the warm-up pa lang, ang tanong dapat ba tayong mapikon? Di ba nga may kasabihan pa tayo na ang pikon ay laging talo? Lahat ng laro ay may asaran, kasi it is not only a physical game, psychological game din yan. Sisirain ang diskarte mo sa laban.

Parang mga sanggano lahat sa court. Ang coaching staff ng Australia hindi sumali. Pero dito sa atin mula sa coach at waterboy sumali pa yata.

This is not sportsmanship. Tayo ang host, this is not hospitality also. Gilas is representing our country sa mundo. Bawat behavior nila, nagrereflect sa atin. Sanggano ba tayo? Basagulero ba tayo? Ganito ba ang mga values na meron tayo? Ang masaklap pa, nakukunsinti pa ng mga mambabatas ang ganitong pag-uugali.

Mali ang barumbadong pag-uugali kahit gaano pa man kainit ang laro. Kung pinupuna ang mali kasi gusto din naman ng taong bayan mapabuti.

After ng incident nag issue agad ng apology ang Australian Basketball Team.

Yan dapat ang inuna eh. Hindi payabangan sa pagjustify ng mali. Gaya niyong isang player na barubal na nagtweet agad.

Tulungan? Tulungan sa kasamaan? Eh mas pinahamak niyo pa kasamahan niyo. Tatlo sa Gilas ang kalmado at hindi sumali sa gulo. Sila JunMar Fajardo, Gabe Norwood and Baser Amer ibig sabihin hindi sila tumulong? Pag napupuna hindi ibig sabihin hindi na kayo pinapahalagahan, tinatama lang ang mali. At saka anong convert  ng Australian? Ano yan religion? Or transformers?

Sa mga fans naman na hanggang ngayon pinagtatanggol pa din ang mali, tumigil na kayo. Kasi nagsorry na nga ang team eh.

Ayan oh, narealize nila ang mali kaya humingi ng sorry.  “Violence has no place in sports”. Ayan oh, klarong klaro. Let us hope na hindi masyado malaki ang sanction ng FIBA.

Iwasan natin maging blind fanatic, kasi pag mahal mo at sinusuportahan mo dapat pupunahin mo ang mali para mas maging mabuti pa sila. Ganyan dapat ang pagmamahal, hindi kinukunsinti ang mali.

Ang insidenteng ito ay magsisilbing aral sa Gilas, sa sports community at sa ating bansa. Violence has no place in our country, hindi sa sports lang.

Isang Basketball Fan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *