Ganito Kamahal ang Kasinungalingan at Fake News

Dear Taxpayers,

Alam ko kung gaano kahirap ang sinusuong niyo araw2x para makabayad lang ng tamang buwis.

Alam ko po na kung ano2x nang klaseng pagtitipid ang ginagawa nyo para lang hindi masyadong mabigat ang kinakaltas na buwis sa sahod niyo.

Siguro karapatan niyong malaman to, yung bawat kapalpakan at pagsisinungaling ni Secretary Aguirre, eto po ang natanggap niya mula sa inyo nung 2016 :

1, 213,762.00 na po.

Di ba ang sakit isipin na hirap na hirap tayo sa pagbayad ng buwis tapos puro kapalpakan at kasinungalingan lang ang binibigay na kapalit sa paghihirap natin.

Puntahan naman natin si Secretary Martin Andanar,  yung mga palpak po na news at photos pati yung mga palusot na out of context and misinterpretation na nararanasan natin sa kanya?  Binabayaran po natin yun. As of year 2016 eto na po ang binayad natin sa kanya: P 1, 160,602.

Yes po, mga kapwa ko taxpayers, sa palpak na trabaho napupunta ang tax natin.

Para tayong naglalagay ng tubig sa butas na balde kasi wala naman tayong nakukuhang matinong resulta sa mga binabayad natin.

Ang saklap di ba?  Ganyan kamahal ang kasinungalingan at fake news sa administration na to.

Kapwa niyo Taxpayer,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *