Ganito Kabasura ang QUO WARRANTO

Dear KaPAB,

Hayaan niyo akong iexplain sa inyo ang nangyaring pag flip-flop ng Supreme Court case.

Kahapon ang sabi ng Supreme Court na isa sa mga condition sa Quo Warranto oral arguments ay dapat daw tanggapin ni CJ Sereno na meron silang jurisdiction sa pagpapatanggal sa isang chief justice. Alam nating lahat na hindi ito tama kasi impeachment process lang ang puwede. At Senate ang may obligasyon na gawin ang process. Eto yung resolution.

Bakit mali ang  “EXPRESSLY ACKNOWLEDGE” na yan? Kasi nga para nilang ginigipit si CJ Sereno. She is questioning the validity of Quo Warranto. Which means question niya rin ang jurisdiction.

Sa ginawa ng Supreme Court, halatado talaga na pumapanig sila kay Calida kasi para nilang sinasabi agad without the oral argument na nakapag desisyunan na sila na may jurisdiction sila. So ano pa ang saysay ng oral argument about sa jurisdiction  eh luto na pala?

Ngayon narealize ng Supreme Court na nahalata sila doon, nagpalabas ng bagong statement.

Tinanggal na yung “EXPRESSLY ACKNOWLEDGE yung court jurisdiction”. Pero binago man nila alam na natin kung ano ang unang desisyon nila. Ano pa ang saysay ng oral argument?

Alam niyo ba kung gaano kabasura ang QUO WARRANTO na sinampa ni Calida? Eto simplehan ko lang.

ANALOGY

Eto si Duterte nagugutom, inutusan si Calida bumili ng pagkain. Naalala ni Calida na meron syang gift check sa Mcdo na EXPIRED na. Pumunta si Calida sa Jollibee

CALIDA: Hi Miss Cashier, pa-order ng Happy Meal, may voucher po ako

Jollibee cashier: Sir, wala pong Happy Meal dito, sa McDo yun

CALIDA: Ay, di puwede yan, irereklamo kita sa POEA!

POEA: Well, di pa namin tatanggapin yung reklamo, pero Jollibee cashier, ano masasabi mo?

Jollibee cashier: (in writing) Sir POEA, wala naman po kayon jurisdiction, at wala naman talagang Happy Meal ang Jollibee. Puwde po ba taong mag-oral arguments para matapos na ito?

POEA: Okay, oral arguments tayo, pero bago yan, aminin mo muna na may jurisdiction kami, para makatuloy tayo sa oral arguments.

POEA symbolizes the Supreme Court. Alam nila under the constitution wala silang jurisdiction, pero yung unang resolution pinapaamin nila si CJ Sereno na meron silang jurisdiction na alisin siya.

At kahit na expired na ang quo warranto which symbolizes the gift check ng McDonalds, pilit pa din ginagamit ni Calida sa maling tindahan. Expire na na nga, maling lugar pa kasi sa Jollibee nila ginamit.

Ganitong panggigipit ang ginagawa nila kay CJ Sereno. Dapat sana yung may mga personal na problema gaya nila De Castro, Tijam, Jardaleza, Velasco ay mag inhibit na. Kasi eto yung mga testigo ni Atty. Gadon nung hearing sa House of Representatives. Alam na natin na may mga biases sila.

Ang batas pilit binabaluktot ng mga taong inaasahan ng taong bayan na magpatupad ng tama.

Bistado na sa maitim na balak, kaya QUO WARRANTO,IBASURA!

Tuso man ang matsing, matsing pa rin!

I Stand With CJ Sereno,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *