Galit sa Droga, Mahal ang China

Dear Tatay Digong,

Kumusta po ang pakiramdam after na massacre ng mga tauhan niyo ang sobra sa isang dosenang tao? Nakonsensya po kaya kayo kahit konti? Palagay ko wala. Sobrang galit niyo sa droga eh. Sa galit niyo nga, pati sila nadamay.

Tay may tanong lang po ako, di ba po galit kayo sa droga tapos Bff niyo ang China? Pero paano po yan e halos lahat ng malalaking shabu laboratory ay mga Chinese ang may ari? Eto po oh.

Hindi po ba dapat magalit din po kayo sa mga Chinese?  Kasi sila ang nagpaparami ng supply ng shabu sa bansa? Eh bakit halos magsumipsip na kayo sa kanila?

Pinagawan ka ng mega rehab, mega supply naman ng shabu ang nagagawa sa kanilang mga Chinese shabu lab, parang wala din. Sabi tutulungan kayo pumuksa ng droga, tapos bigla may Chinese shipment na shabu worth 6.4 billion ? Bakit wala man lang kayong reaction?

Ang hirap sa inyo po, Tatay Digong, pagdating sa China bulag kayo.

Galit nga kayo sa droga, pero sinasamba niyo naman ang supplier ng droga, luh ang labo niyo naman po eh.

Sana hindi elimination of the competitor ang nangyayaring patayan. Saka kausapin niyo ang presidents ng China na tulungan kayo sa laban sa droga. Kalimutan niyo muna ang pag-ibig sa Intsik. Manindigan muna kayo sa bansa natin.

I hate drugs daw, tapos he loves the suppliers. Nyek, bomalabs po kayo.

Yamot sa Traydor,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *