Gaano Kaimportante Ang Midterm Election?

Dear KaPAB,

Kung napapansin niyo kumakalat na naman ang mga fake news. Yung nangyari noong last 2016 inuulit na naman nila. Hindi natin sila napaghandaan noon, we are caught off guard kasi biglang nagsulputan ang mga pages na nagpapakalat ng fake news.

Ang paboritong gawan ng fake news ng mga trolls ay si Senator Bam Aquino.

 

Tapos binabalik na naman nila ang mga photoshopped photo ni Mar Roxas dati para pagtawanan.

 

 

May mga trolls din na pinapakalat para magpost at siraan si Cong. Gary Alejano. Nagiimbento sila ng kwento para magalit ang mga tao.

 

 

Yung iba naman nagpapakatanga para mag imbento ng mga paninira gaya nang ginagawa nila kay Atty. Florin Hilbay.

 

 

Luh, ISIS sympathizer daw? E dapat ISIS din si Duterte.

 

 

Pati si Lebron at Curry ISIS din?

 

 

Ganitong klaseng paninira at fake news ang kalaban natin ngayong election. Ang kaibahan lang handa na tayo. Kasi sa loob ng dalawang taon mahigit nakita natin at naranasan natin ang kahirapan.

Libo-libo na ang pinapatay. Bata, matanda, kababaihan at kalalakihan. Kung iboboto mo ang mga administration candidate patuloy na dadaming mamatay na inosente.

 

 

Kailangan natin ng tamang tao sa Senado para mapigilan ang “Pepe-Dede-Ralismo” nila na mas lulubog sa atin sa utang.

 

 

Bilyones ang pinag-uusapan dito at sigurado sa buwis na naman natin kukunin yan. Baka uutang na naman sila pero taong bayan pa din ang magbabayad.

Ngayon maaaring sinuspinde nila ang TRAIN pero pagkatapos ng election at sila uli ang manalo, maaaring ipatupad ang TRAIN 2 at TRAIN 3. Ngayon palang hirap na tayo sa TRAIN 1, ang taas na ng bilihin at pamasahe, pag nanalo ang mga administration candidate baka gumapang na tayo sa hirap.

Kaya importante ang decision ng bawat isa sa susunod na election. Kinabukasan na ng pamilya mo ang nakataya dito. Kung gusto mo magpatuloy ang patayan, pagbagsak ng ekonomiya at pagtaas ng bilihin, iboto mo uli ang administrasyon candidate.

Pero kung gusto mo magkaroon ng check and balance sa Senado, magkaroon ng Senador na ipaglalaban ang ating teritoryo gaya ni Atty. Florin Hilbay, magkaroon ng senador na malawak ang kaalaman sa ekonomiya gaya ni Mar Roxas, magkaroon ng senador na ipaglalaban ang karapatan pantao gaya ni Atty. Chel Diokno, magkaroon ng senador na lalabanan ang corruption gaya ni Cong. Gary Alejano, magkaroon ng babae ng senador na magpoproteksyun sa karapatan ng kababaihan na walang kinikilingan, gaya ni Atty. Sam Gutoc, magkaroon ng isang senador na ipaglalaban ang ating manggagawa gaya ni Atty. Erin Tañada, magkaroon ng isang batikang senador na expert sa batas gaya ni Atty. Romy Macalintal, magkaroon ng senador na tumitingin sa kapakananan ng mga nasa laylayan gaya ni Atty. Neri Colmenares at higit sa lahat magkaroon muli ng isang senador na laging inuuna ang kapakanan ng mga estudyante, manggagawa at ordinaryong mamamayan gaya ni Senator Bam Aquino, kailangan mong bumuto ng tama.

 

Handa at mulat na tayo ngayon, kaya na nating labanan ang fake news. Magtulungan tayo supilin ang dilim.

Ang boto mo ay siyang magiging kinabukasan ng bayan mo.

 

Nagmamahal sa Pilipinas,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *