Gaano Kahanda ang Departamento ni Tugade?

Dear Secretary Tugade,

Ano po ang nangyare last week nang may sumadsad na eroplano sa airport natin?

Many hours after the mishap, the airplane was still stuck in our runway. Hindi pala tayo prepared kung magkaroon ng crash landing na ganito. Ni wala man lang yata kayong Disabled Aircraft Removal Plan eh.

Imagine niyo ang ganito kadaming tao.

Sa sobrang kupad niyo bago nasolusyunan ang problema, may mga taong nawalan ng trabaho kasi hindi agad nakaalis.

Eto natanggap ko from my inbox.

Totoo ba na after bumaba ng mga pasahero ng Xiamen Airlines, while they were in a state of shock pa dahil sa crash landing, pinapila niyo agad sila sa immigration?

Kung totoo to, aba hindi man lang kayo naawa sa mga pasahero, may mga Pinoy din doon. Sana nailagay niyo muna silang lahat sa isang room at hinayaan niyo munang mahimas himasan from the shock bago niyo pinapila sa immigration.

Eto pa ang sobrang lala, paano kayo nalusutan ng 60 uncoordinated flights?

Luh, paano nangyari yun? Multo ang eroplano at hindi niyo nakita ang paglapag at pag-alis? Naman Ser, ayusin niyo naman ang Departamento niyo. Puwede pala tayong pasukin ng kahit na sino ng hindi natin nalalaman.

Wala kayong contingency plan Ser sa mga sitwasyon na ganito. Sabi nga ng isang senador “We are losing not only economic opportunities because of this stoppage in operations, but more so our face in the international community,’’.

Kakahiya.

Yamot sa Incompetent,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *