Gaano Ito Katotoo, Secretary Tugade?

Dear Secretary Tugade,

First masaya kaming nababalitaan na wala na masyadong bumaba na mga pasahero sa riles ng MRT. Ayun sa report niyo konti na lang ang glitches ng tren. Good job yun.

Pero Sir, may nagpadala sa inbox ko ng document na ito.

Pirmado ng general manager. At first glance hindi ko maintindihan ang implications nito.

Pero nang may nagpaliwanag sa akin, doon na ako nabahala.

Kasi ayun dito sa memo. Lahat ng defects na nakalista sa kaliwa. At ang gagawin niyong solution ay nasa kanan.

Yung number 1.

Meron problema ang bogies. Kung baga ito ang chassis na bumubuhat ng motor ng tren. Bakit ang solution niyo ay iparating pa sa last terminal ang tren, paano kung madisgrasya yun, malalagay sa kapahamakan ang mga tao! Ginagawa niyo ba ito para wala kunwaring marecord na technical glitch?

Yung number 2.

Automatic Train Protection ATP: ito ang technical term sa Signaling system ng Tren. Kung baga siya ang nagbibigay ng sistemang panligtas dahil sa mga kundisyun na hindi normal. Overspeed-itigil, masyado malapit ang tren, bagalan, at mula sa Command Center ito ang sistema na makita ang tren kung nasaan na sa linya.

Bakit kailangan pang makarating sa end terminal kasama ang mga pasahero? Paano kung nasira ito at magbanggaan sa gitna? Hindi ba dapat pababain agad ang mga pasahero kung sira ang ATP?

Yung number 3

Start Up Intelocking SUI. Technical term lang ito na meron problema ang pintuan ng tren. Either ayaw magbukas o ayaw magsarado. Ang fail-safe ng tren ay HINDI ito tatakbo kapag meron problema. Dahil sa kasulatan ay paabutin nila ang tren sa dulo kahit na meron aberya ang ito. Si kahit bukas sara na ang pintuan, papaabutin pa talaga hanggang dulong terminal? Paano kung may mahulog kasi bukas ang pinto?

Yung number 4

ACU, Eto po ang aircon. Kapag ang aircon ay napunaan na meron problema ay dapat pababain agad ang mga tao. Dahil sa memo ang ibig niyong sabihin buksan lang ang bintana tapos tuloy tuloy pa din ang tren sa operation sa linya? Luh, grabe.

Yung no. 5 hindi ko maintindihan.

Pero yung no. 6.

Abnormal Noise. Di ba kahit na anong sasakyan ang nararapat na gawin kapag meron ingay o tunog na wala sa lugar ay dapat ipinapapababa ang tao at hindi na dapat ito pinasasakyan lalo na kung pampubliko ang gamit? So bakit kailangan iparating pa sa end terminal? Naisip niyo ba kung gaano yun kadelikado sa mga pasahero?

Yung no. 7 PA System

Bakit kailangan ibaba ang mga pasahero kung sira ang PA system? Kasi di ba ito lang po  ang paraan para malaman ng tao ang kalagayan ng sinasakyan nila na tren? Ang meron kontrol nito ay bukod tanging ang driver lamang. Paano pala kung may nasusunog na isang coach tapos walang PA system?

Hindi ba dapat ang protocol ay “unload passengers immediately and remove the trains from the system and return to the Depot for repair”.

Higit kailanman ang safety ng pasahero dapat ang priority.

Secretary Tugade, paki-check niyo po itong memo, kasi kung merong existing memo na ganito, delikado po ito sa mga mananakay.

Umaasa na Hindi Totoo ang Memo,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *