G na si Pilo! G na Din Tayo!

Dear KaPAB,

Rakrakan na! Dininig ni Atty. Florin, ang ating hamon sa kanya. Sa kabila ng kakulangan sa logistics at pondo, mas nanaig sa kanya ang pagsilbihan ang taong bayan.

 

Hindi man galing sa mayamang pamilya, pero nagsikap para marating ang tagumpay. Anak ng kasambahay at mensahero, nagsikap para maging abogado. Naging Solicitor General para ipaglaban ang ating teritoryo. Ngayon lumalaban para sa karapatan pantao.

Oras na para ipakita ng bawat Pilipino na kaya nating sumuporta ng matinong kandidato. Tayo nang tumaya para sa kinabukasan, tulong tulong tayo para sa kandidatura ng matinong tao. Eto ang mga puwede nating gawin para makatulong.

  1.  Ipakilala si Pilo sa mga kakilala at pamilya niyo.
  2. Ishare ang mga blog sa social media niyo para tumaas ang awareness Atty. Hilbay.
  3. Puwede po kayong magpalista as volunteer sa inyong mga barangay. Kung meron #Tondo4Pilo puwede tayong gumawa ng #Batangas4Pilo or kahit anong lugar kung saan kayo nakatira.
  4. Alam natin na hindi mayaman ang kandidato natin, puwede tayo magbigay mula sa limang piso hanggang sa about nang makakaya natin sa kandidatura niya. Ipopost ko dito ang mga account sa susunod na araw.
  5. Puwede natin siyang samahan sa pag file niya ng kanyang candidacy para ipakita natin ang suporta natin sa kanya.
  6. Ipagdasal natin na sana manalo ang kandidato natin.

Taong-bayan ang partido ni Pilo. Taong-bayan ang magpapanalo kay Pilo. Susugal tayo para sa kinabukasan ng bayan. Susugal tayo para kay Hilbay.

TAPANG NG TONDO, TAPANG NG PUSO para sa bawat Pilipino.

 

PILOpino Tayo,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *