From Cyberlibel To Inciting To Sedition, Ang Layo Na Ng Narating

Dear KaPAB,

Kahapon nagbunyi ang mga DDS kasi nahuli na daw si Bikoy. False alarm pala.

Ang nahuli pala ay ang isa sa mga libo-libong nagshare ng video na si Rodel Jayme.

 

 

Una cyberlibel ang balita, kaso mukhang may butas ang kaso kasi nga may Supreme Court ruling na about this.

 

So, ang ginawa nagfile ng kasong “Inciting to Sedition”. Ang layo ng narating di ba?

First, let us define “sedition”.

 

Paano naging resistance to lawful authority ang pag re-upload Ng video?

Besides sabi nga ni Atty. Pilo Hilbay, ang sedition is crime against the government. Hindi ba dapat matuwa si Duterte kasi tinutulungan siya sa kanyang drug war?

 

Para klaro lang. Tingnan niyo ito.

 

Given na nag upload siya sa blog niya ng video, paano napasok sa inciting to sedition yun?

 

 

Eto ang elements ng Inciting to sedition. Klaro against the Republic of the Philippines, hindi naman ako nainform na ang mga namention doon sa Bikoy’s video ay ang Republic.

Syempre bida si PAB.

 

 

Front runner daw ako sa pagshare. Fake news, kasi kung ginalingan lang nila makikita nila na naki upload lang ako from YouTube. At bago pa ako nakapost, libo-libo na ang nagshare ng video.

Anyway, tinatakot ako ng mga DDS minion. FYI, sa ilang taon na akong pinagbabantaan at binabastos ng mga major bloggers at DDS trolls, naubos na ang takot sa dibdib ko.

Alam ko kung ano ang karapatan ko at handa ako. Kung ikukulong si Rodel for sharing the video, kailangan magpagawa ng bagong building sa daming nagshare, nagreport at nag upload ng video sa kani-kanilang account, mapupuno mga kulungan.

Funny ang gobyernong ito. Yung whistle blower ang kinukulong pero yung impormasyon na sinabi ng whistle blower deadma.

 

Tuloy lang tayo sa advocacy.

Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *