From 1 to Malacañang, Gaano Ka Kamanhid sa Pinagdadaaanan Ng Mga Commuters?

Dear KaPAB,

Hanggang ngayon in denial pa din ang palasyo sa hirap na pinagdadaanan ng mga commuters.

 

 

Anong tingin mo sa mga taong ito na halos 4-6 hours ang ginugugol sa pag commute araw-araw?

 

 

Yung sira ang mga train gaya ng LRT at MRT kaya napipilitan maghintay ng ilang oras sa daan hanggang hindi na nakapasok.

 

 

Hindi pa ba crisis yan? At yung mga solusyon naisip tulad ng jeep modernization ay hindi makatwiran ang proseso para naman sa mga drivers.

 

 

Imbes maghanap kayo ng solusyon ini-invalidate niyo ang pinagdadaanan nila sa araw-araw.

 

 

Yung iba diyan madaling araw palang iniiwan na ang pamilya nila para makipagbuno sa traffic araw-araw.

 

 

Tinitiis na kahit sumakay na pahiga sa train makarating lang sa paroroonan. Hindi pa ba krisis yan?

Samantalang naghihirap ang mga commuters sila happy-happy lang bumili ng bilyones na eroplano.

 

Tapang at malasakit ka diyan, tapang at pasakit kamo.

 

Yamot Sa Mga Insensitive,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *