Free Job Hunting Galing Sa Opisina Ni Busy Presidente Leni Robredo

Dear KaPAB,

Alam natin na isa sa problemang kinakaharap ng bansa ngayon sa gitna ng pandemya ay ang kawalan ng trabaho. Gaya ng dati, maghanap ng paraan si Busy Presidente Leni Robredo kung paano ito matutulungan.

Sa kanyang Facebook page nakapost:

Sa ating patuloy na pag-agapay sa mga Pilipinong apektado ng krisis dulot ng COVID-19, kami ay nagagalak na ilunsad ang BAYANIHANAPBUHAY—isang bagong inistiyatibong hatid ng ating Tanggapan sa tulong ng Sikap.PH.

Layunin ng inisyatibong ito na maghandog ng plataporma upang mapadali para sa mga kababayan nating nawalan ng o naantala ang kabuhayan dahil sa pandemya na maghanap ng oportunidad na makapagtrabahong muli.

Kaya nitong mga nakaraang linggo, nakipagpulong ang ating Tanggapan sa iba’t ibang employers upang alamin ang kanilang job openings at mai-post ito sa https://sikap.ph. Libre ang platapormang ito para sa mga naghahanap ng trabaho, gayundin sa mga employers.

Sa kasalukuyan, mayroon na tayong 2,796 na mga job posting. Naging posible ito dahil sa pakikipagtulungan natin sa Elevatech na bumuo ng Sikap.PH, at sa mga employers na nauna nang tumugon tulad ng EMS Services Philippines, Inc. (ESPI), D.M. Consunji, Inc., Lots’a Pizza, Concentrix, Empire East Land Holdings, AECOM Philippines, GET Philippines, McBride Corporation, Omni Petroleum Corp, Solarwinds Software Asia PTE LTD – Philippines Branch. Patuloy na madadagdagan pa ang mga job openings, sa tulong ng iba pang mga partners na katuwang natin sa programang ito.

Para sa mga kumpanyang interesadong makipagbayanihan sa ating Tanggapin, maaaring ipadala ang inyong mga detalye sa [email protected]

Sa proyektong Ito ni Busy Presidente Leni Robredo, muli niyang pinakita na pag tulong-tulong ang bawat Pilipino mas malayo ang mararating.

Sabi nga sa isang post sa Twitter “Ang sakit sakit sakit sakit sakit sakit na siguro ng likod ni VP Leni Robredo kakabuhat sa gobyernong ito. “

Sa gitna ng lungkot at kadiliman sa rehimeng ito, may isang Busy Presidente Leni Robredo na nagbibigay sa atin ng pag-asa.

Lubos na Humahanga,

PAB