Free Education, Hindi Daw Puwede

Dear Secretary Diokno,

Ang dami ko nang love letter sa inyo no?  Lagi naman po kasi kayong palpak.

Mukhang hindi mapipirmahan ni Tatay Digong ang free education bill. Sa tono palang ng pananalita niyo sinabi niyo “The bill granting free tuition in state colleges is “too costly for the government,” .

Bakit niyo naman po nasabi yun? Sabi niyo it will need 100 billion yearly.  Ayaw niyo bang mag invest sa education ng mga bata?

Why the Duterte administration proposes to spend over P1 trillion in infrastructure development but would not allot budget for free college education? Akala ko ba mahalaga kabataan?

Kung talagang mahalaga ang kinabukasan nila ibigay niyo ang karapatan nila makapag aral. Sabi niyo pa.

Grabe sya oh,  college education  benefits the individual not the society? Ano po ba ang composition ng society? Di ba kasama ang citizen o ang isang individual? Pag nakatapos at nakapagtrabaho ang isang Pilipino magiging asset sya sa society.

Kung ang pinoproblema niyo ang pagkukunan ng budget, bawasan niyo ang junket funds,  troll funds, tokhang funds at ang bilyones na intelligence fund ng Congress, tutal minsan hindi naman sila nagpapakita ng intelligence, sayang ang pondo.

Secretary Diokno, hindi na po ito joke no!  Kinabukasan na ng kabataan ang nakasalalay dito. Tinokhang niyo na nga mga magulang nila pati ba naman pagkakataon na makapag aral sila ng libre, ipagkakait niyo pa?

Kung talagang mahalaga ang kabataan sa administration ni Duterte,

Matinong batas ni Senator Bam Aquino ayaw pirmahan pero yung karagdagang buwis na ipapataw sa mamamayan, priority bill?

Mukhang #NaDuterte na naman ang Pinoy.

Yamot sa Madamot,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *