Florin Hilbay: Man of the Hour

Dear Attorney Florin Hilbay,

Hayaan niyo po akong magpasalamat sa inyong recommendation kahapon po sa hearing. Bagamat hindi binigyan ng masyadong emphasis ni Chairperson Senator Grace Poe,  ang inyong sinabi, hayaan niyo pong talakayin ko po ito dito sa PAB.

 

Tama po kayo, mahirap po kung ang mga pekeng balita nanggagaling mismo sa gobyerno.

Keyword po, “witchhunt”. Pinapatay ang kalayaan sa pagpapahayag ng bawat Pilipino.

Bakit po pag ang mga nasa administrasyon ang nagpapakalat ng kasinungalingan hindi kumibo ang 7 senador. Nung binalahura ni Wiggiurre si Senator Bam,  nagrequest ba ng committee hearing si Senator Bam? Nung binalahura ni Thinking Pinoy si Senator Risa na dinamay pa anak niya, ginamit ba ni Senator Risa ang position niya?

Mocha, Aguirre and Thinking Pinoy ay pasweldo ng taong bayan. Tama po kayo Atty. Florin Hillbay, mali po na sineswelduhan sila para magpakalat ng fake news.

Pag pinupuna ang kamalian, atake na agad?  Di ba puwedeng constructive criticism lang? Pag ordinaryong tao ang pumuna sa mali ng gobyerno, mali, pero pag member ng gobyerno nagsinungaling, opinion lang or tao lang ang excuse?

Ang ganda po ng mga recommendation niyo Atty. Hillbay, sana pinakinggan at binigyan ng emphasis sa hearing na yun ni Grace Poe.

Nevertheless, tanggapin niyo po ang pasasalamat at pagsaludo po sa inyong pusong makabayan at matalinong kaisipan.

Sa mundo ng Aguirre at Calida, mabuti na lang may isang Attorney Florin Hillbay, na nagbibigay liwanag sa mundo ng legalidad at akademiya.

Maraming Salamat po!

Lubos na Gumagalang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *