Feeling Imbestigador,Teh?

Dear Ate Sass,

Ayoko na sana kitang sagutin kasi baka sabihin mo pinepersonal kita masyado. But I can’t let you spread lies to your followers. Eto post mo ha.

Sabi mo it’s not impossible to have a gun sa kaliwa ni Kian kahit right handed sya. And you even posted an example.

Now, yes you are right that holding a gun is mas effective kung dalawang kamay. Bago kita sinagot nag researched po ako at nagtanong.

Sa paghawak pala ng baril una you don’t grip with your both hands. Kung right handed ka the hand that’s really gripping the gun is your right hand. Yung left is taking an outer grip (i.e. mas hinahawakan ng kaliwa ang kanang kamay kaysa baril.)

Meron kasing dominant at non dominant hand. Sa kay Kian right ang dominant hand niya. So pag right handed ka,

– your right hand index finger is on the trigger hole
– your right hand is tightfully gripped on the right hand

So kung babarilin mo ang isang right handed na tao, the gun would definitely fall to the right, kasi yung kaliwa na naka suporta sa kanang kamay ay hindi naman naka contact sa baril.

 

Saka bakit ka nag sasabi na parang nakipagbarilan ang bata sa mga pulis eh base sa autopsy binaril si Kian ng malapitan.

Nakadapa si Kian nang binaril. Tatlong beses!  Tapos ngayon gusto mo pang palabasin na nanlaban ang bata?  Mema ka eh. Nagmumukha ka nang tanga sa mga pinagsasabi mo. Feeling imbestigador ka, teh.

Eto pa ang susunog sa theory mo about sa baril.

Ayan beshie, may umamin na. Walang nanlaban na naganap. Kinaladkad nila si Kian at binaril na walang awa!

Hindi ka ba nahihiya na ang mga followers mo ay pinapaniwala mo sa mga kasinungalingan. Nagmalaki ka pa na, may masteral ka na sa international studies, pero ginagamit mo ang pangalan mo sa panloloko ng kapwa.

Since sabi mo graduate ka na sa masters mo sa International Studies, I strongly suggest na next masters mo ay sa Values Education, baka sakali na lang matutunan mo ang tamang asal.

Sana dalawin ka ni Kian sa panaginip at buhusan ka ng sangkaterbang langgam habang nakatali sa puno.

Yamot sa Memang Balahura,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *