Federalismo niyo, Mukha Niyo 2.0

Dear KaPAB,

Ang Federalismo na nilalako sa atin ni Duterte ay isang bomba sasabog sa bansa natin.

Ang Preamble ng bansa ngayon ay ito.  Resibo.

Sa bagong konstitusyon ay tatanggalin na daw ang word na “love”. Resibo.

At kung sa akala natin si VP Leni, ang planong tanggalin ng mga enkantong ito, nagkamali tayo. According to one employee from Congress. May matatanggal pa. Resibo.

Pati Ombudsman and Judicial Bar Council.

Pag wala na ang Ombudsman ang mga kalokohan at pangungurakot ay wala nang mag iimbestiga. Self serving ang ginagawa ng mga mambabatas na to.

Pag wala na ang Judicial Bar Council, sila-sila na ang pipili ng mga judge sa Supreme Court at ang iba’t ibang court like the Ombudsman.

Isa itong malaking kalokohan. Isipin niyo ngayon na limited ang power ng pangulo, sobrang pang aabuso ang nangyayari, how much more kung lahat ng kapangyarihan ibigay sa kamay ng isang abusado? Basura ang kakalabasan ng Pilipinas.

Bukod pa dito, pati bill of rights na karapatan ng bawat Pilipino magpahayag ay kanilang gustong supilin. Resibo.

Hindi kasi umubra ang Martial Law kaya ang ginagawa ngayon kunwari Federalism pero isang Diktatoryang pamahalaan ang gustong gawin.

Nangyari na to noong panahon ng mga Marcos wag tayong bumalik sa kadiliman.

Sinasalaula na tayo, kailangan nang magsalita. Kailangan nang ipakita natin ang ating pagtutol, kinabukasan natin nakasalalay dito.

Yamot sa mga Salaula,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *