Federalism, Maaaring Magamit Para Maalis si VP Robredo

Dear President Duterte,

Hanggang ngayon maglolokohan pa ba naman tayo? Gigil ka talaga kay VP Leni no? Plano mo bang gamitin ang Federalism para maalis siya?

Oo maaaring nakalagay na hindi ka puwedeng kumandidato sa susunod na election. Pero Kyah, may transition period na sabi ng federalism na magkakaroon ng election sa transition president. Hindi naman nakalagay sa constitution na hindi ka puwedeng tumakbo uli as transition president eh.

 

 

 

Yun ang nakakatakot nga e na ikaw ang presidente sa transition period kasi ayun sa pinagpipilitan mong federalism na during the transition period lahat ng kapangyarihan sa gobyerno ay nasa mga kamay mo. Nagpapatawa ka ba? Abusado ka na nga ngayon na limitado ang kapangyarihan na hawak mo, tapos kukumpletuhin pa? Nyek, wag na uy.

 

 

Syempre pag tatakbo ka ng transition president mananalo ka, kasi ngayon palang mukhang ginigipit na nga ang mga Mayors eh. Yung nangyari kay Mabilog sa Iloilo tapos ngayon naman Kay Lagman sa Bicol.

Ang masaklap pa nito syempre puwedeng katandem mo ang pamilyang mandarambong.  At chance niyo na na mapatalsik si VP Leni. Tapos sa federalism na gusto mo siniguro mo talaga na tag team ang President at Vice President no.

 

 

 

Ano tingin mo sa election, buy one take one? Huy, Mr. President , wag ma kapal ang mukha. Sa tingin niyo maitatago niyo sa amin ang kademonyohan ng federalism? Hirap na nga kami sa tax may plano pa pala kayong damihan ang tax na binabayaran namin.

 

 

Eto talaga ang plano Kyah?

1. Solohin ang lahat ng kapangyarihan.

2. Iitsapwera si VP Leni Robredo at bitbitin si BBM?

3. Pahirapan ang mga mamamayan sa pagbayad ng buwis.

4. Basura iiwan ang bansa pagkatapos manungkulan kasi lubog na sa utang.

Saan ang malasakit Kyah? Sa tingin mo papayag kami sa maitim niyong balak? Huy bistado ka namin po. Huwag kami, baka magulat ka pag napuno ang salop.

 

Hindi Magpapa-uto,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *