Fake News, Supilin!

Dear Filipino Netizens,

Last election was the most divisive election we ever had. Sobra ang pagkalat ng fake news at hanggang ngayon nangyayari pa rin. Sa sobrang dami na ng fake news parang nawawalan na ang mga tao ng discernment.

Kaya siguro oras na tulungan natin ieducate ang mga kaibigan natin at mahal sa buhay. Pag nakikita natin silang nagshishare ng mga fake news website, pagsabihan natin. Konti man ang numero natin compared sa troll farm nila, pero at least tayo ay kaparte ng solution at katotohanan. Ang simbahan sumasali na sa laban against fake news. Naglabas na sila ng partial na listahan.

Eto naman po ang mas updated na list.

Ayun sa isang IT expert more than 500 daw po ang website na to. Hindi man natin sila matalo lahat ang importante magkaroon tayo ng awareness sa mga nashishare sa FB. Huwag nating hayaan na kasinungalingan ang manaig. Kaya nating ibalik ang mga magandang values meron ang bawat Pilipino. Matatalino ang Pinoy, hindi tayo gullible. Basta sama-sama tayong lalaban sa fake news.

THIS IS WAR!

Patuloy na lumalaban,

PAB

P. S. We can start by sharing this post para mabasa ng mga kaibigan natin ang mga listahan ng fake news website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *