Nagkakagulo na nga, Fake news pa din KaDDS

Dear DDS,

Sa inyo ko talaga napatunayan na totoo ang kasabihan na, ” how you campaign is how you govern”.

Kahapon nagkakagulo na nga sa Mindanao nakuha nyo pa ring magpakalat ng mga fake news linking Senator Bam sa paglusob ng Matute group sa Marawi.

Samantala pumunta lang ang tao dun para gampanan ang trabaho niya and that is to grace the opening of 508th Negosyo Center. Kasama pa nga niya ang AFP di ba?

Ang project na to ay malaking tulong sana sa mga taga Marawi. Pero sa di ko maintindihang reason ha, naiconnect nyo ang project sa terroristang Maute ha. Naghihirap na ang mga kababayan natin sa Mindanao ang tinatrabaho nyo ay magkalat ng fake news?

Dapat ang tawag sa inyo CDS,  Crazy Duterte Supporters. Tapos etong lider nyo na Asec. Mocha, praning din. Mga taga Marawi ang nasa kapahamakan at ang nasa gitna ng panganib, sabay magpost ng Protect the President, eh nasa Russia nung time na yun si Duterte with all his bodyguards at hayahay ang buhay.

Alam nyo hindi na nga kayo nakakatulong sa problema sa Mindanao, nagkakalat pa kayo ng kasinungalingan para lalong magkawatak watak ang mga Pilipino.

Nagsimula kayo sa kasinungalingan, nananalo sa kasinungalingan at ngayon nagpapatuloy sa kasinungalingan.

Matutong mahiya kahit konti po. Wag panindigan na 16 milyon nga kayong tanga!

Hindi kasali sa 16 million,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *