Fake News Daw Si VP Leni, Tapos Sa Website Nila Galing ang Information?

Dear KaPAB,

Mahilig talagang magdeny ang admin na ito sa mga statement nila. Di ba nagcall-out si VP Leni sa DSWD na huwag itigil ang assistance para sa mahihirap gaya ng 4Ps at iba pang financial assistance na galing sa national government?

Etong Assistant Secretary ng DSWD na si Rhea Peñaflor ang bilis magsabi na fake news daw si VP Leni Robredo.

Paano naging fake news, eh ang basis ni VP Leni sa statement niya ay galing mismo sa website ng DSWD? Resibo.

Selective reading si Assec. oh. Yung nilagay niya lang sa post niya ay ang last part.

Eto ang link. Kayo na po ang humusga kung sino ba talaga ang nagsisinungaling?

https://www.dswd.gov.ph/dswd-temporarily-suspends-programs-needing-mass-gatherings-other-services-to-continue/

Pina stay niyo sa bahay ang mga tao, tapos tatanggalan niyo ng assistance? Hindi nga sila mamatay sa NCOV, gutom naman ang papatay sa kanila. Tapos pag nagcall-out, fake news agad? Eh sa kanila mismo nanggaling ang statement?

Kaloka!

Yamot Sa Mga Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *