Fake News si Harry Roque

Dear Harry Roque,

Siguro pinapat ngayon ni Duterte ang ulo mo kasi hindi kayo nabastusan sa lips to lips na yun eh. Tapos nagsinungaling ka pa.

Kailan naging normal sa mga Pinoy ang maghalikan ang mga may asawa, aber? Kailan naging playful act ang lips to lips sa kultura natin? Fake news ka! Para maipagtanggol mo lang ang kabastusan nagimbento ka pa ng pekeng kultura ng mga Pinoy?  Huy, wag mo naman itapon lahat, pati kaluluwa mo.

Sa tingin mo ba pag sipsip ka sa kay Duterte, mananalo ka bilang Senador? Dream on. Pag tapos ng termino ni Duterte, sa basurahan ka pupulutin.

Kahit fake news pinapatulan, para lang sumipsip. Kung talagang normal ang lips to lips, kaya mo bang makita ng mag lips to lips ang asawa at si Presidente? Ano? Sige nga.

 

Yamot sa Sinungaling na Palaka,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *