Fake Interpretation of SWS Survey

Dear KaPAB,

May misleading title na naman po na nilagay na ginagamit ng mga propagandista ng administrasyong ito.

Syempre since ganyan ang title, hindi na babasahin ng mga DDS ang details ng SWS survey.

Una, ano ang tinanong sa survey?

Ayon sa website ng SWS ang tanong daw ay kung masaya ba sila sa buhay nila in general? Resibo.

Hindi naman tinanong kung masaya sila sa sa pamamahala ni Duterte di ba? So bakit ganoon po ang title niyo? Misleading di ba? Maaring masaya sila sa lovelife nila, sa pamilya nila or sa trabaho nila. Ni isang pangalan ni Duterte wala sa survey question.

Pangalawang tanong:

Kailan naconduct ang survey?

December 8-17 of 2017. Ang mga tao pag Christmas Season, talagang masaya. Yung date na yan ang may bonus sila. Hindi problemado sa pera. At pag pasko talagang jolly ang mga tao.

Noong December, wala pang TRAIN. Noong December nakakulong pa ang mga drug lord. Noong December hindi pa tayo kumakalas sa ICC. Noong December hindi pa under the witness protection program si Napoles. Noong December wala pa ang accomplishment report ng PNP na 20k na ang mga namamatay. 

Pati ito si Kat de Castro kung makagamit sa data akala mo naman binasa ang details.

May mga pa eat your hearts out  pang nalalaman, misleading naman ang impormasyon niyo. Fake news. Hanggang ngayon feeling pa din niya election time pa. Anong mas marami kayo, huy 16 milyon lang kayo, baka nga nabawasan pa kasi namatay na ang iba sa tokhang.

Wag kami ang lokohin niyo ha. You are trying to cushion ang impact ng susunod na survey as early as now kasi alam niyong nananawa na ang mga tao sa kapalpakan at kasinungalingan ng gobyernong ito. Tse!

Yamot sa Mga Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *