So Facebook ang may Kasalanan?

Dear Senior Supt. Chito Bersaluna,

So ibig niyong sabihin binalahura niyo ang pagkatao ng batang pinatay niyo dahil sa tsismis sa social media?

Nag conclude kayo na runner/addict si Kian, dahil nabasa niyo sa Facebook?  Sa laki ng ng intelligence fund niyo sa facebook lang kayo umaasa?  Ano to kill now, investigate later?

Alam niyo ba kung ilang troll at fake account ang naglilipana sa Pilipinas? Wala man lang verification?

Naniwala kayo kina Ate Sass at Fiscal Cañete na hindi man lang kayo nagveverify? Anong silbi ng milyones na intelligence fund kung wala naman kayong discernment and intelligence?

Hindi na kayo naawa sa bata. Kinuha niyo na nga buhay niya at kinabukasan, sa kanyang pagkamatay pati dangal niya binalahura nyo pa?h

Multuhin sana kayo ni Kian, gabi-gabi!

Galit sa mga Tsismoso,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *