Bakit Mahirap Magpatawad?

Dear KaPAB,

People close to me, alam nilang how forgiving I am. In fact sabi ng best friend ko liabilities ko daw ang ugaling yun, kasi people tend to abuse me.

When I filed a case against Franco Mabanta, because of this post:

Ang tagal kong pinag isipan kung lalaban ba ako o hindi. Nakakababa ng pagkatao ang panlalait. Nakakabastos ng pagkababae. Sa kanila nanggaling ang word na ogre at Fiona. Until everyday nababasa ko ang mga word na yan sa inbox ko at sa iba’t ibang post. Sa twitter at FB. May troll pa nagpadala pa sa akin ng picture ng ari nila just to prove ang reversal erection na sinasabi ni Franco.

Ganun kalala ang trauma sa akin ng lahat ng ito. Everyday hate messages na tumatawag sa akin na ogre. Their group and trolls won’t stop.

These are some of the messages that I received.

Some of them called me katulong and hampaslupa. Hindi ito trolls, mga totoong tao to.

Araw -araw ganitong klaseng message ang natatanggap ko. Ang iba pati nanay ko na may cancer dinamay.

This is the cycle of hatred and  hate messages because they follow their leader.

Kanina, when I saw Franco sa fiscal’s office, lahat ng humiliation at pambabastos bumalik sa akin. When he approached me and introduce himself, nanginginig ako sa galit. But I held on to my anger and to my pain. Kasi pain keeps me stronger and anger keeps me going.

I cried pagdating sa bahay. I hate to feel so much anger kasi hindi ako to. Madali sa akin mag forgive, pero sa ginawa nila narealize ko this fight is not about me anymore. This fight is also for the countless others without a voice who continue to be bullied into silence. This case is their cry for justice too.

Kung ikaw ang nakaranas ng ganitong pang aalipusta, matutunan mo bang magpatawad? Ang hirap di ba? 😢

Nasasaktan Pero Patuloy na Lalaban,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *