Experience What, Secretary Wanda?

Dear Secretary WandaTeo,

Nabalitaan ko po na binago nyo daw po ang slogan ng Department of Tourism .  Hindi na daw ngayon “It’s more fun in the Philippines ” pinalitan niyo na pala ng “Experience Philippines “.

Matanong ko lang po, experience what po? Experience Tokhang? Experience cardboard justice? Experience mas malalang traffic? Experience Fake News from the government?  Experience pagmumura from the President?

Kung tutuusin po maganda na yung “It’s More Fun in the Philippines ” eh.  Pero since feeling ko gusto nyong magpabilib sa Presidente kasi binigyan ng trabaho asawa nyo kaya kahit chaka ang concept nyo, go lang!

Sino po ang susunod na maaappoint sa pamilya nyo? Wag nang mahiya lubos lubosin niyo na po.  😏😏😏

Oo nga pala balita ko gusto mo na naman maghost uli ng Ms. Universe. FYI lang po ha, hindi lang Ms. Universe ang puwedeng gawin sa tourism ha. Malaki ba ang kinita ng travel agency natin nung Ms. Universe at gusto mong ulitin uli?  😂😂😂

Kaliwat kanan ang patayan, kaliwat kanan din ang travel advisory ng ibat ibang bansa. I guess sa first year mo as Tourism secretary you failed. And gaano katotoo po na hindi kayo makasundo ng mga Undersecretary nyo?  If this is true I guess as Department head you also failed.

Luh wala na po kayong pinasa.

Anyways, puwedeng tubuan ng hiya at magresign. May oras pa.

Galit sa Kapalmuks,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *