Everytime She Burns to Ashes, She Knows Exactly How To Rise Again

THIS IS NOT A POLITICAL POST

Dear KaPAB,

Pag matagal na kayong follower ni PAB, alam niyo na by now, na I am a Kris Aquino fan. Sinusubaybayan ko talaga ang buhay niya mula sa simula. Pag umiiyak siya sa TV, umiiyak din ako. Pag nakikita kong nagtatagumpay siya, sobrang saya ko for her. Kung may isang word na magdedescribe sa kanya, marahil ang word na “HONEST”. Open book ang buhay ni Kris Aquino sa ating lahat. Siya yung tipong tao na hindi kayang magsinungaling sa kanyang mga fans.

Noong nawala siya sa television scene, sobrang nalungkot ako noon for her. Nainis ako ng slight sa Kapamilya Network nang hindi siya pinapirma uli ng kontrata. Maraming mga pinto ang sumara for her. Akala ng iba, tapos na ang panahon nang isang Kris Aquino. Pero just like a phoenix, Kris Aquino reinvented herself and rose from the ashes.  Gumawa siya ng daan kung saan puwede siyang mamayagpag uli. Yes, she fell down  and people thought she lost her spark, but they were wrong because Kris Aquino rose up again as the whole damn flame.

 

 

She is still a Queen. The Queen of All Media. Ang daming company na nagtitiwala sa kanya. “Kris Aquino is the most trusted and highest paid product endorser of consumer products.”

She made us proud when she represented our country sa isang movie sa Hollywood. Yung Crazy Rich Asians.

 

 

Some people don’t like her pero mas maraming nagmamahal sa kanya. People admire her as a mother. Nakita ng bawat tao kung gaano niya kamahal si Bimb at si Josh. Para sa isang Kris Aquino ang mga anak niya ang una sa listahan sa priority niya. Lahat gagawin niya para sa happiness nila. At napalaki niya ng tama ang mga bata. Mabait, grounded at magalang.

 

 

Recently, lahat tayo nabahala noong nagkaroon siya ng problema sa finance at health niya. Mababasa mo sa mga post ang daming, nagdasal for her.

 

 

But she is a fighter. Muli pinakita ng isang Kris Aquino kung paano niya hinarap at nalagpasan ang pagsubok. She conquered her “problems”  and wore her scar like wings.  “And as the phoenix rose from all the ashes, she too will rise. Returning from the flames, clothed in nothing but her strength more beautiful than ever before.”

 

 

She is an inspiration to many, lalo na sa mga fans niya. Pinakita niya sa buong mundo na “Our greatest glory is not in never failing, but in rising every time we fall”.

Yes, isa po akong fan ni Kris Aquino and I am proud of it.

 

Showbiz ng Slight,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *