Eto ba ang Pagbabagong Dala mo?

Dear President Duterte,

May mga inosenteng namatay na naman ngayong araw. Resibo.

Dalawang inosente ang namatay. At dalawa ang kritikal. Yung driver ng sasakyan nagmagandang loob lang sana na dalhin yung babaeng nabaril sa hospital, nadamay pa. Nasan na ang rules of engagement?  Eto ang bunga ng mga pahayag niyo na puro lang “Kill! Kill! Kill!” Resibo.

At kailan pa nagkaroon ng baril ang mga tanod? Imbes hulihin ang tanod nakipag sabayan pa ang mga pulis sa pagbaril. Overkill! Resibo.

Sobra sa isang dosenang pulis, para patayan ang mga inosenteng sibilyan.

Ang dami nang namamatay araw-araw, ayaw niyo pa ring tumigil. Binalik niyo uli sa PNP ang war on drugs, bakit niyo tinanggal sa PDEA? Kasi napatunayan niya sa inyo na puwede naman palang makahuli na walang namamatay at nadadamay na mga inosente? Resibo.

Hindi ito ang pagbabago na inaasam ng mga Pilipino. Ang daming mga batang nadadamay, mga inosenteng mamamayan na namamatay.

Hanggang kailan mo papahirapan ang Pilipinas? Wala kang puso.

Galit sa mga Demonyo,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *