Eto Ang Totoong “Red October”

Dear Secretary Dominguez and President Duterte,

Hindi niyo ba titigilan ang TRAIN na yan? Ang taas na ng bilihin. Tataas na naman ang gasolina ngayong araw.

 

 

Aabot na ng P60 ang bawat litro. Alam naman natin na bawat produkto ay may transportation cost, so ang kasunod na naman nito pagtaas ng mga bilihin. Nagpropose na si Senator Bam Aquino na sana itigil muna ang additional tax sa oil, pero ayaw niyo talagang papigil no. Parang hobby niyo nang pahirapan ang taong bayan.

Tapos yung utang natin lumulobo na nang bongga. Saan napupunta ang pera? Kaninong bulsa napupunta ang pera?

Hindi pa pinapanganak ang mga anak namin, may utang na silang babayaran. Tapos kayo pa London London lang? Konting awa naman diyan sa mga Pilipino.

 

Talagang “Red October” nga, mula sa presyo ng gasolina hanggang sa Philippines Stocks. Tayo na ang pinakamababa sa lahat oh.

 

WORST PERFORMING na tayo. Anong balak niyo sa ekonomiya ng bansa? Balak niyo bang mamatay sa gutom ang mga Pilipino? Tapos pinipilit pa din ang TRAIN 2.

 

Wala kayong awa! Best and the brightest daw, tse!

Yamot sa mga Incompetent,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *