Epekto sa mga Health Worker

Dear President Duterte,

Siguro naman po by this time alam niyo na po ang mga ginagawa ng propagandista sa “dengue vaccine controversy”.

Ginawa po nilang politika na hindi nila alam kung ano ang magiging epekto nito sa mga tao.

Una po nag cause ng panic ito sa mga tao kasi ang mga info na binibigay ng mga propagandista niyo ay sobrang exaggerated. Yun pala ang totoo hindi naman pala ganun ang epekto base na po ito sa sinabi ng spokesperson niyo. Resibo.

Bagama’t nabigyan ng kalinawan ang epekto nito, merong grupo na mas malaki naapektuhan. Ang mga health worker niyo po. Eto po galing sa inbox ni PAB.

Dahil sa pamumulitika ng mga propagandista niyo ang ibang health worker niyo nadedemoralized na. Hindi man lang nila naisip ang epekto nito sa mga tao.

Sana po hindi galing sa inyo ang instructions sa paggalaw ng mga propagandista kasi po pag nagkataon, kayo mismo ang nagpapahamak sa mga tao niyo under DOH.

Yung mga doctor, nurses at barangay health workers naglalakad yan ng malayo, tumatawid ng ilog at umaakyat sa bundok para lang makasilbi sa  bayan. Samantala yang mga propagandista niyo nasa likod ng keyboard at gumagawa ng gulo.

Alam niyo po ba kung ano ang nararamdaman ng mga health worker niyo po? Galing ito sa inbox ni PAB. Resibo.

Kung kakasuhan niyo sila, isabay niyo po ang mga kapartido niyo na humiling na ibalik ang dengue vaccine. Di ba kapartido niyo si Congresswoman Gwen Garcia? Resibo.

Bilang pinuno, sana po pagsabihan niyo ang mga propagandista niyo, kasi imbes makatulong dagdag pa sila gulo at kahihiyan niyo.

Naaawa sa Bayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *